
Intimidated
by ‘Divi’? Try Kamuning
(Borrowed from) Jake
Ramirez (For illustration only)
First on the list of stops? Kamuning market. If you find going to Divisoria
for your fabrics a maddening experience, try Kamuning. It’s somehow an extension of ‘Divi’, without the
crowd and pickpockets.
I discovered Kamuning textile market by accident
a few years ago. On a dressmaking scholarship grant from Ben Farrales at Slim’s, I was required to buy a cheesecloth
for the first project. I went to Kamuning for it. As it turned out, I wouldn’t last in fashion; I threw the towel by
the third project, the 10-paneled skirt. As a fashion school dropout, I discovered Kamuning.
Tailor
The tree-lined parking lot of Kamuning textile
market is convenient, a far cry from the frenzy that is Divisoria. Choices are varied—muslin, rayon, poplin, polyester,
cotton, knit, even piņa from Lumban, Laguna, or Kalibo, Aklan.
There are tailoring and dress shops—a
one-stop “haute couture shopping.” Imagine getting your bespoke suit with utmost ease. Just don’t forget
to bring the latest issue of Vogue or GQ for that latest designer runway copy. When I asked around about the difference between
Divisoria and Kamuning, cost-wise, I learned it wasn’t much since the sales agents of textile mills also regularly visit
Kamuning.
Accessories
I get my buttons from Carolina’s, since
going to Tabor in Divisoria is really not worth it. Why pay for the entire cow when I just need the milk? That’s my
analogy when travelling all the way to Divisoria for accessories. In Kamuning textile market, there’s a store of dressmaking
supplies.
This October comes United Nation day—time
for parents to get the kids an outfit for the Parade of Nations.
Kamuning market has a stall selling national
costumes of different countries—Korea, Japan, Mexico, China and even Taiwan. How politically correct! A People’s
Republic Of China costume and a Republic Of China costume sold separately.
Kamuning textile market has another covered,
maze-like market for Christmas decor.
************************************************************************
Special
Tula Para sa QCHS Class of 66 Borrowed from Leandro Valmonte (for illustration only) (QCHS
Grand Reunion, September 4, 2002, Las Vegas)
Sa panauhing pandangal, Heneral Aji Gutierez, Mga kaklase sa Quezon
City High School, ladies and gentlemen.
Taos pusong nagpupugay, bumabati ng good evening, Akong ito'y naririto pagka't
ito'y nahihiling Bahagi ng pagdiriwang, Quezon City High School reunion day Ang batch 1966 dito ngayo'y nagkita kita
Akoy
galing pa ng Seattle, Jojo Fuentes Oklahoma Sa NY ay Freida Padua, Mila buco't Tessie Marin ng Florida At ang aming
computer expert, Ross sedillo ng Australia Sa state ng California, mga nagkatagpo tagpo Thelma Absalon, Ernie Caba?ez
at Victoria Abrigo Carmelita Cruz, Evelyn Surban at Mildred Rimando At ang guapong Benny Meneses galing naman ng Toronto
Kung paano't iba senyo'y masaktan ko ang damdamin Ako sana'y pasens'syahan kayo nang magpaumanhin Nguni't bago
ko simulan ang tula kong bibigkasin Isalubong muna sa kin, palakpakang umaagting
Sintang Lupang Tinubuan
Pitong
libo isandaa't pitong islang ating bayan Nahahati sa Bisaya at ng Luzon at Mindanao Ang tawag sa ating bansa ay perlas
ng silanganan Buong mundo'y humahanga tangkilik n'yang kagandahan
Sa Albay ay bulkang Mayon kung tawagi'y ang perfect
cone Ang imaheng Pe?afrancia diniriwang taon taon Bamboo organ ng las pi?as tugtugi'y pang inspirasyun Ang tanawin
sa tagaytay pang piknikan, pang excursion
Pinitak na mga asin sa Cavite'y mamamalas Puerto Azul Matabungkay at niyugan
sa Batangas Tabla't plywood at lambanog sa Quezon ay tumatagas Matatamis na balimbing ang sa hinulugang taktak
Sa
Laguna ang bayan ng Calamba ay historical Sinilangan ng bayaning tanging si Gat Jose Rizal Makapigtal ng hiningang Pagsanjan
Falls sa Pagsanjan May lanzones at mabangong bulaklak ng ilang -ilang
Sa Banawe ay nahubog nililok na rice terraces Mamamasdan
n'yo po lamang sa bundok ng Mt. Province Dalampasigan sa La Union makikita ang White Beaches Sa Baguio ay may Kennon
Road puntahan ng mga tourist
Cagayan, Nueva Vizcaya, Isabela at Apayao Sa Batanes at sa Abra sa Ilokos at Ifugao Bawat
lugar na nabanggit tabako ang hanapbuhay May repolyo may saluyot may maisan may bakahan
Tanggulan sa Coregidor at
ng death march sa Bataan May Subic Bay sa Zambales, Pangasina'y Hundred Island Bandurya at longanisa pambato ng kapampangan Sugar
plantation sa Tarlac ang pabrika ng asukal
Nueva Ecija, ah, Nueva Ecija, ang bayan kong sinilangan Kahit saan ka
tumingin makikita ay palayan Ang simbahang Barosoain ay sa Malolos Bulacan Bayang lugar ni Balagtas prinsipe ng balagtasan
Penoy
balut sa Pateros, pulang itlog sa Cainta May itikan sa Taguiig, sapatos ng Marikina May gulayan sa Montalban, sa Antipolo'y
masaya Palaisdaan sa Malabon, bilibid prison sa Muntinglupa
Sa Maynila at karatig doon tayo nangag aral JRC at
Ateneo San Beda at saka Letran May Mapua may Adamson FEU at saka La Salle UP,UE,NU,UM,may Feati at San Sebastian
Stella
Marris Holy Spirit Scholastica at Maryknoll St. Theresa,PWU, ang Assumption saka St. Paul St. Joseph at La Concordia
Sta. Isabel, Consolacion PCC at MLQU araneta at Lyceum
Mayroong Immaculate Concepcion UST't Centro Scholar May
MCU, may PLM, Normal College, PCCR May TIP, at Guzman Tech, at PCAT ay vocational At ang aking PSBA, sa accounting ay
number one.
Buong Metro Manila ay kumpulan ng negosyante Nangunguna na sa lahat mahal nating Quezon City Caloocan,
Mandaluyong, Pasig City, Para?aque Pasay, San Juan, at Ayalang bisnis district ng Makati
Ang Cultural Center, Luneta
Park, Manila Zoo Ang simbahang San Agustin, Intramuros, Fort Santiago Plaza Miranda't Malaca?ang at ang Nayong Pilipino Banyaga
ay dinarayo at pang akit ng turismo
Mga orkids sa Zamboanga bangka't yate ng Surigao sa Sulu ay mga tela at ang
duryan ay sa Davao Misamis at Cotabato sa Agusan at sa Lanao Kapatid ng mga Muslim buong pulo ng Mindanao
Ang
langis at gasolina'y natuklasan sa Palawan Sa Antique'y celebration sayawang ati atihan Romblon nama'y mapuputi't mga
batong kumikinang Si McArthur sa Leyte ay tinupad ang " I Shall Return"
Ang progreso ay sa Cebu, sa Bukidnon ay
pi?ahan Haciendahan ay sa Negros Occidental at Oriental Chocolate Hills ay sa Bohol, niyog kopra ay sa Aklan Sa Capiz
at Iloilo pambato'y Gui Maras Island
Kueba't bundok sa Mindoro , minahan sa Marinduque Ang Sorsogon ay kilala sa
dami ng naging pare Camarines, Catanduanes, sa Misamis at Masbate Ang binata'y maginoo, dalaga ay puro sexy
Buong
mundoy yumuyukod iwi nilang kagandahan Kay Gemma Cruz Lalaine Bennet, Gloria Diaz, Margie Moran Kay Boots Anson at Pilapil
Sancho, Marquez, at Pijuan Mga naging Miss Universe, naging Miss International
Ang humabi ng watawat ay si Teodora
Agoncillo Nag alaga sa bayani ay si Mechora Aquino Si Corazon Amurao naging saksi sa Chicago At si Maggie dela Riva
purit dangal pinagtanggol Walang takot taas noo.
Buhay nila'y ipinalit tagumpay ng kalayaan Gen. Luna, at Mabini,
Bonifacio, at del Pilar Lapu-lapu ang pumatay sa kastilang si Magellan Ang Noli at saka Fili sinulat ni Jose Rizal
Si
Emilio Aguinaldo, Manuel Quezon, at Osme?a Manuel Roxas at Quirino, Magsaysay, at Carlos Garcia Macapagal, Ramos, Cory
naging pangulo ng bansa Pilipinas mahal natin namulat ang ating mata
Sa boksing ay naging kampeon Flash Elorde't
Villanueva Nagpasikat sa larong golf si Capati't si Ben Arda Simo Ampon ay sa tennis bisekleta'y si Arzala sa chess
nama'y Eugene Torre basketball ay si Loyzaga
Si de Vega at Sulaiman gold medal na mananakbo At sa piano ay si Gacad
sa pagpinta'y Amorsolo Si Patsy at si Lupito komikera't komikero Sa radyo'y balagtasan ni Ofelia at ni Raymundo
Sa
lutuing pilipino tunay tayong tatakawin Escabeche at adobo may pinakbet at may laing Estupado at palabok may sinigang
may kilawin Pansit sabaw at nilaga tsamporado at diningding
Puto bumbong, gata't suman, mahablanko, dinuguan May
espasol, may kutsinta, may goto at papaitan Arozcaldo, at bibingka, mainit na sinampalukan Tunay kayong maglalaway sa
masarap na sumsuman
Hito, dalag, bangus ,tuyo, dilis, daing ,at tinapa Suso, tulya, at galunggong, may halaan, at
talaba Dalagang bukid, at lukaok, may gurami, at talangka Hipon, pusit, saka tahong, malulusog na tilapya
Bahay
kubo ay may gulay punongkahoy mga prutas Tsiko, mabolo, at atis, kalamansi, at bayabas Duhat, santol, at kaymito, mangga,
kasoy ,at anonas May papaya't kamatsili, may suha, at siniguelas
Sa inuming gawang lokal may kape na'y salabat pa Sioktong,
Tanduay, basi, tuba, may Beer Hausen at serbesa May 7-up, cosmos, Uva, Royal Orange, sarsaparilla cuatro cantos, at
lambanog pampainit na ginebra
Ngayon na po't nabalik ko gunita ng Pilipinas Sana naman huwag magalit kung ako may
makiusap Upang tayo'y maging isa, at di na magkawatak-watak Mag reunion ng madalas, kahit dito o sa pilipinas
Tapos
na po ang tula ko, ako'y hanggang dito na lang Kayo na sana ang magpuno kung ako man ay nagkulang Ngunit bago ako maupo't
bumalik sa aking upuan Igawad muli sa akin masigabong palakpakan.
|